Naglatag na ng security plan ang Department of Transportation (DOTr) para sa bus, rail at terminal operators matapos ang magkakasunod na pagsabog sa ilang bahagi ng Mindanao.
Sa isang kautusan, mahigpit na ipinatutupad ng DOTr ang inaprubahang Monitoring System and Access Control.
Kabilang dito ang pag-iinspeksyon sa gamit ng mga pasahero, pagdi-deploy ng mga security personnel at ng canine units, agad na pagri-report ng mga kahina-hinalang pasahero at pagbabahagi ng intelligence information sa mga awtoridad.
Dapat ring magsagawa ng drill o exercises bilang paghahanda sa mga di-inaasahang pangyayari.
Magugunita na kambal na pagpapasabog ang naganap sa Tacurong City at Koronadal city na sinudan ng pagsabok sa lalawigan ng Basilan sa Isabela.
Facebook Comments