Pinaplantsa pa ng mga awtoridad ang seguridad para sa pagbabalik ng tradisyunal na traslacion ng Poong Itim na Nazareno sa Enero 9.
Kabilang dito ayon sa Philippine National Police (PNP) kung magpapatupad ng signal jamming gayundin ang ng “no fly zone” sa buong Lungsod ng Maynila sa araw ng traslacion.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, bagama’t plantsado na ang ilang mga hakbang pangseguridad para sa okasyon, nagpapatuloy pa rin ang ginagawang threat assessment hinggil dito ng pulisya.
Paliwanag nito, habang papalapit kasi ang mismong araw ng traslacion ay nagkakaroon ng pagbabago sa mga tinatanggap nilang impormasyon hinggil sa banta sa seguridad.
Sa ngayon, walang natatanggap na anumang seryosong banta ang PNP pero hindi aniya sila nagpapakampante bagkus pinaghahandaan ang worst case scenario.