Lumabas sa isang pag-aaral na posibleng tumagal pa hanggang 2022 ang pagpapatupad ng social distancing dahil sa COVID-19.
Ayon sa lead author ng research na si Stephen Kissler mula sa Harvard University, hindi uubra ang pagpapatupad ng lockdown kaya kailangang oras-oras magpatupad ng isang metrong social distancing para malabanan ang virus.
Hindi rin aniya basta-basta malalabanan ang COVID-19 sa pamamagitan lamang ng one-time social distancing, dahil napababagal at napipigilan lang nito ang transmission ng virus.
Dapat din aniyang maging mahigpit ang lahat sa pagpapatupad ng mga health protocols lalo na at wala pang bakuna laban sa COVID-19.
Facebook Comments