Malaki ang maitutulong sa ekonomiya ng bansa ng pagpapatupad ng ‘Swab-Upon-Arrival’ policy.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na maraming foreign investors ang pinipiling huwag na lamang pumunta ng bansa dahil sa napakaraming quarantine requirements sa mga dayuhan.
Aniya, naniniwala rin ang Inter-Agency Task Force sa nasabing panukala pero ang Department of Health at mga consultants nito ang siyang nagbibigay ng theoretical position sa ipinapatupad na hakbang na may kinalaman sa COVID-19.
Matatandaang una nang iginiit ng ilang senador na bukod sa mga investors, ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) at Returning Overseas Filipino (ROF) ang pinakamakikinabang sa ‘Swab-Upon Arrival’ policy.
Facebook Comments