Tambalang Lacson-Sotto sa 2022 national elections, pinag-aaralan pa

134

Nilinaw ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na hindi pa tiyak ang tambalang Lacson-Sotto sa darating na 2022 elections.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Sotto na pag-aaralan muna nila ni Senator Ping Lacson ang pagtakbo bilang presidente at bise presidente ng bansa.


Pero sa ngayon ay nagsasagawa sila ng konsultasyon mula sa kanilang mga kapartido, consumer groups, private groups, retired militaries at iba’t ibang sektor sa bansa.

Mahalaga rin aniya na bago sila magdesisyon ay mayroon silang nakahandang solusyon sa problemang kinahaharap ng bansa gaya ng nararanasang pandemya.

Sa huli, nagpaala si Sotto na ang dapat na mamuno sa bansa ay may excellent track record sa taumbayan.

Facebook Comments