PAGPAPATUPAD NG TAAS PASAHE SA PAMPUBLIKONG TRANSPORTATION, HINDI APRUBADO AYON SA LTFRB RO1

Iginiit ngayon ng pamunuan ng Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) Region 1 na wala silang ipinatupad na pagtaas sa pamasahe sa mga pampublikong transportasyon ngayong panahon ng pandemya.

Ang paglilinaw na ito ay kaugnay umano sa reklamo ng ilang indibidwal na mayroong mga tsuper ang labis kung maningil lalo na ang mga tricycle drivers.

Sinabi ni Regional Director Nasrudin U. Talipasan ng LTFRB Region 1 na simulang buksan ang mga ruta para sa mga namamasada ay walang humiling ng taas pasahe sa kanilang tanggapan.


Ang pagtaas ng pamasahe ay dadaan muna umano sa mga proseso at nakadepende na sa LTFRB kung itoy pahihintulutan.

Samantala, habang unti unti nang nabuksan ang mga inter regional route o mga ruta mula sa Rehiyon maging ang papunta sa Metro Manila ay pahirapan paring umanong bumangon ang mga drayber at ilang mga transportation dahil sa mga restrictions na ipinapatupad ng ilang mga Local Government Unit (LGU).

Facebook Comments