Pagpapatupad ng uniform restrictions para sa domestic leisure travelers, iginiit ng DILG

Binigyang diin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kahalagahan ng pagpapatupad ng synchronized restrictions para sa leisure domestic travelers sakaling luwagan ang bansa sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ayon kay DILG Undersecretary Spokesperson Jonathan Malaya, ang tourism industry ay bumubuo ng 10-porsyento ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

Ibig sabihin, libu-libong trabaho ang nalilikha ng industriya.


Ipinunto ni Malaya na wala pa ring harmonized restrictions para sa leisure domestic travelers sa bansa.

Ang health sector ay nagpapakita ng kahandaan sa anumang galaw sa COVID-19 pandemic lalo na sa bilang ng positive cases.

Maging ang mga Local Government Unit (LGU) ay nakahandang tumugon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng localized o granular lockdowns.

Ang Inter-Agency Task Force (IATF) at Metro Manila mayors ay pabor na luwagan ang quarantine classification pero na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang huling pasya.

Facebook Comments