Pagpapatupad ng Universal Health Care Law, nanganganib na maantala

Nanganganib na mabinbin ang pagpapatupad ng Universal Health Care Law.

 

Ito ay kung hindi maipapasa ng Kongreso ang dagdag na excise tax sa sigarilyo bago magsara ang 17th Congress.

 

Ayon sa health advocate na si Dr. Tony Leachon nasa 63-bilyong piso pa ang kailangan para kumpletong mapondohan ang UHC Law.


 

Dahil sa posibleng delay, mamimili na lang ang Department Of Health (DOH) ng mga lugar kung saan ito unang ipatutupad partikular sa mga geographically disadvantage areas.

 

Kasabay nito, hinikayat ni Leachon ang senado na mag-overtime kung kinakailangan para matiyak na maipapasa ang panukala.

 

Sa ilalim ng panukalang batas, P45 hanggang P60 ang hinihinging dagdag na buwis sa kada pakete ng sigarilyo.

 

Umaasa din naman si Finance Asec. Tony Lambino na magiging legacy ng kasalukuyang kongreso ang pagpapasa sa sin tax reform bill kung saan kukunin ang pondo para sa universal healthcare program ng gobyerno.

Facebook Comments