Pagpapatupad ng‘Price Freeze’ ngayong kapaskuhan, iginiit ng isang Senador

Iginiit ni Senator Imee Marcos sa Department of Trade and Industry o DTI na ipatupad ang Price Freeze o hindi pagtataas ng presyo ng pangunahing bilihin ngayong Setyembre hanggang sa Disyembre.

Ayon kay Marcos, kailangang maghigpit ang DTI sa mga mapagsamantalang negosyante at itigil na muna ang planong pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na sa panahon ng Kapaskuhan.

Diin ni Marcos, ang planong bagong Suggested Retail Price (SRP) ngayong Kapaskuhan ay hindi makatuwiran at hindi makatao.


Ikinatwiran ni Marcos, na halos tatlong buwan lang naman ang mungkahi niyang Price Freeze at napakalaking tulong ito sa lahat ng mga mahihirap na mamimili.

Facebook Comments