Mga naarestong indibidwal dahil sa hoarding at pagbebenta ng overpriced medical supplies at iba pang pangunahing pangangailangan, mahigit 800 na

Umakyat na sa 805 ang mga naaresto ng Joint Task Force COVID shield matapos ang ginawang hoarding at pagbebenta ng mga overpriced medical supplies at iba pang pangunahing pangangailangan ngayong nasa krisis ang bansa.

Sa ulat ni JTF COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, pinakamaraming naaresto ay sa Luzon na umaabot sa 530 violators.

Pangalawa ay sa Mindanao na umaabot sa 206 ang mga naaresto at sa Visayas ay 69 ang nadakip.


Samantala, umabot na rin sa 10,766 na mga public utility vehicles ang na apprehend ng JTF COVID Shield dahil pa rin sa pagbyahe kahit bawal.

Pinakamaraming violators ang naitala sa Luzon na umaabot sa mahigit walong libo.

Patuloy naman ang panagawa ni Eleazar sa publiko, manatiling sumunod sa mga alituntunin ng community quarantine para maging ligtas sa COVID-19.

Facebook Comments