Pagpapatupad sa anti-illegal drugs, naaayon sa batas at holistic ayon sa tambalang Lacson-Sotto

Naniniwala sina presidential candidate at Senador Panfilo “Ping” Lacson at vice presidential candidate Vicente “Tito” Sotto III na sakaling sila ay papalaring manalo sa eleksyon ay ipatutupad nila ang mas maganda at isang holistic na pamamaraan na nakaangkop sa karapatang pantao.

Ayon sa Lacson-Sotto tandem, babaguhin nila ang pamamaraan ng paglaban kontra sa iligal na droga kung saan ay dadagdagan pa nila ang mga magagandang bahagi ng umiiral na Anti-Drug Law sa bansa at ipagpatuloy ang kampanya ng kasalukuyang administrasyon na naaayon sa Saligang batas.

Dismayado naman si Sotto dahil sa nagpasa siya ng Amendment sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 1995 pero ang problema umano ay hindi naman naipatupad ang mga inilagay niyang pagbabago sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.


Paliwanag ni Sotto, masyadong nakapokus ang kasalukuyang administration sa supply reduction ng iligal na droga pero nakulangan naman sa demand reduction kung saan ito umano ang nakikita niyang dahilan kung bakit sunod-sunod pa rin ang mga nahuhuli sa mga tulak sa iligal na droga at ang pagpupuslit ng illegal drugs sa bansa.

Facebook Comments