PAGPAPATUPAD SA BAGONG MARKET SCHEDULE SA BAYAN NG BANI, MAGSISIMULA NA NGAYONG ARAW

BANI, PANGASINAN – Magsisimula na ngayong araw, September 6, ang pagpapatupad sa bagong market schedule sa bayan ng Bani.

Ang hakbang na ito ng pamahalaang lokal ng bayan ay upang malimitahan ang bawat paggalaw ng mga residente sa lugar at upang mabawasan ang pagdami at patuloy na pagtaas ng kaso ng nakakahawang sakit na COVID-19.

Sa bagong market schedule na ito, kailangan lamang sundin ang mga patakarang inilatag ng Inter-Agency Task-Force at LGU Bani.


Kailangan lang ipresenta ang Market Pass ng mamalengke kung saan mayroon lamang isang pass na nakalaan sa bawat kabayan.

Mag-uumpisa namang bubuksan ang palengke sa oras na Alas – 6 ng umaga at magsasara naman sa oras na alas – 4 ng hapon.

Samantala, base pinakahuling datos Bani COVID-19 update mayroong 78 na aktibong kaso ang bayan.

Facebook Comments