Pagpapatupad sa mga Ordinansa ng Cauayan City, Isabela, Pangungunahan na ng Cauayan Action Force!

140

*Cauayan City, Isabela- *Abala ngayon ang Pamahalaang Panlungsod ng Cauayan sa pagbuo sa organisasyong Cauayan Action Force o CAF sa pangunguna ni City Mayor Bernard Dy.

Ayon kay City Mayor Bernard Dy, layunin ng nasabing samahan na pangunahan ang pangangalaga at pagpapatupad sa mga ordinansang ipinapasa sa konseho ng pamahalaang panlungsod.


Ito ay bubuuin umano ng Public Order and Safety Unit o POSU at ng PNP Cauayan upang tutukan ang pagpapatupad sa mga ordinansa.

Mas mainam na rin umano na magkaroon ng grupo o samahan na tututok lamang sa kanilang responsibilidad upang mas maipatupad ng maayos at epektibo ang implimentasyon ng mga ordinansa sa Lungsod.

Inaasahan naman ng Punong Lungsod na matapos na agad ang pagbuo sa nasabing samahan at umaasa rin ito na magiging maganda ang resulta ng kanilang pagbuo sa samahang Cauayan Action Force.

Facebook Comments