Pagpapaubaya sa DOH sa pangangasiwa ng mga health services mula sa LGUs, isinusulong ng DOH

Iminungkahi ni Health Secretary Francisco Duque III na maibalik sa Department of Health ang pangangasiwa ng health services mula sa Local Government Units.

Pero ayon sa kalihim, ito ay para lang sa LGUs na lugmok pagdating sa delivery ng health services.

Ang LGUs naman aniya na may mauunlad at maayos na sistema sa pagpapatupad ng health services ay hindi na kailangang ibalik sa DOH.


Kasabay nito, iginiit ni Duque na panahon na para amyendahan ang local government code para maipatupad ang pagbabalik sa DOH ng pangangasiwa sa health services.

Facebook Comments