Pagpapaunlad ng imprastraktura sa mga probinsya, makatutulong upang maibsan ang mabigat na trapiko sa Metro Manila, ayon kay Pangulong Bongbong Marcos

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gaganda ang sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila sa sandaling matapos na ang mga itinatayong estruktura ng gobyerno sa mga karatig nitong probinsya.

Sa kanyang vlog, sinabi ng pangulo na makatutulong ang mga development project na itinatayo ngayon sa Bulacan, Pampanga, Cavite at Laguna upang makalikha ng mas maraming trabaho.

Aniya, sa pamamagitan nito ay mababawasan ang bigat ng trapiko sa syudad dahil unti-unting magkakaroon ng mga oportunidad sa probinsya.


Kasabay nito, nakiusap ang pangulo sa publiko na maglaan ng mahabang pasensya dahil mahabang panahon pa ang bubunuin bago maramdaman ang epekto ng mga infrastructure project ng pamahalaan.

Samantala, hinikayat din ng pangulo ang mga mananakay at motorista na palaging sumunod sa batas trapiko, magbigayan at huwag maghari-harian sa kalsada upang mapanatili ang maayos na byahe.

Facebook Comments