Nagsimula na ang pagpapautang ng gobyerno sa mga maliliit na kompanya para makapagbigay ng 13th month pay sa kanilang mga mangagagawa.
Sa tulong ito ng Small Business Corporation (SB Corp.), isang ahensiya ng pamahalaan na may programang pautang sa mga Micro-Small and Medium Enterprises (MSMEs) para mabayaran ang 13th month pay ng kanilang mga manggagawa.
Nasa 15,000 na negosyo ang sakop ng programa na may budget na kalahating bilyong piso.
Ang mga interesadong negosyo ay pwedeng mag-log-in sa website ng SB Corp.
Hanggang P480,000 ang maaaring utangin para sa maximum na 40 emloyees na bibigyan ng 13th month pay.
Sa kabuuang 100 kompanya na nag-loan, sampu pa lamang ang naaprubahan.
Facebook Comments