Cauayan City, Isabela- Kamakailan ay isinulong ng grupo ng drivers-operators ang Isabela Recovery Initiative to Support Enterprises (iRISE) na layong matulungan ang bawat miyembro nito sa gagawing pagpapautang ng Provincial Government.
Ayon kay Ginoong Roland Lanuza, Vice President ng FETADECO, kinakailangan aniya na mapabilang ang lahat ng mga drivers-operators sa mga ayuda na posibleng ibaba ng gobyerno.
Ipinunto pa nito na dahil sa magandang pagbabago ng imahe ng mga pederasyon ng tricycle.
Kinakailangan na ang mga magiging miyembro nito sa pagtanggap ng ayuda ay ang mga pawang rehistrado o yung may mga prangkisa mula sa Lokal na Pamahalaan.
Panawagan naman ni Lanuza sa kanyang kapwa driver-operators na mangyaring sundin ang ilang ipinapatupad na ordinansa ng LGU para sa tuloy-tuloy na pagtanggap ng ayuda.