Pagpapauwi sa isang eroplano na ang lulan ay mga LSIs na positibo sa COVID-19, fake news ayon sa Palasyo

Pinabulaanan ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque ang lumabas na ulat na nag-pauwi di umano ang pamahalaan ng isang eroplano na ang lulan ay 8,000 Locally Stranded Individuals (LSIs) na pawang mga positibo sa COVID-19.

Ayon kay Roque, fake news ito dahil simula noong August 8 ay mayroong umiiral na moratorium sa pagpapauwi sa mga LSIs sa Bacolod City, Negros Occidental at Iloilo City.

Tatagal aniya ang moratorium ng 14 na araw o hanggang sa August 21 dahil na rin sa dami ng kaso ng COVID-19 na naitatala sa mga nabanggit na lugar.


Matatandaang inihirit ni Bacolod City Mayor Evelio Leonardia sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang 2 weeks moratorium sa pagtanggap ng mga LSIs dahil nais nitong pagpahingahin muna ang mga health workers na walang sawa sa pag-seserbisyo at pag-aalaga sa kalusugan ng mga taga-Bacolod.

Facebook Comments