Pagpapauwi sa mga labi ng natitirang OFWs sa Saudi Arabia, inurong sa July 20 ayon sa DOLE

Ipinagpaliban ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang repatriation ng second batch ng mga labi ng higit 200 Overseas Filipino Workers (OFW) mula Saudi Arabia.

Paliwanag ng DOLE, para mas maraming maiuwing labi ng mga namatay na OFWs, ang second batch ng repatriation ay kailangang i-urong ng isang linggo.

Pagtitiyak ng ahensya, mas maraming labi ng mga OFW ang darating sa July 20.


Nitong July 10, nakapagpauwi na ang Pamahalaan ng labi ng 49 mula sa 274 OFWs na namatay sa Saudi Arabia.

Mula sa nasabing bilang, 32 ay mula sa Dammam at 17 mula sa Riyadh.

Nasa 20 sa mga ito ang namatay sa COVID-19 at 29 ay namatay sa natural causes.

Pagtitiyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III na patuloy ang Pamahalaan sa pagpapauwi sa mga namatay na kababayan hindi lamang sa Middle East kundi sa iba pang panig ng mundo.

Ang mga susunod na iuuwi ay ang mga manggagaling ng Jeddah at iba pang lugar sa rehiyon.

Facebook Comments