Pagpapauwi sa mga OFW na namatay sa Saudi Arabia, hanggang Sabado na lamang

Mayroon na lamang hanggang July 4 ang Pamahalaan para maiuwi ang labi ng nasa 274 Overseas Filipino Workers (OFW) na namatay sa Saudi Arabia.

Una nang sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nasa 301 ang namatay na OFWs at 152 sa kanila ay namatay sa COVID-19.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, puspusan na sila sa pag-aasikaso sa pagpapauwi sa mga ito.


Sinisikap aniya nila na makumpleto ang mga requirements kabilang ang health protocols, exit visa, pahintulot sa mga employer at kamag-anak nito.

Aniya, kapag nabigo ang Pamahalaan na mauwi ang mga ito ay ililibing na agad ito ng Saudi Government.

Samantala, 4 sa 149 na namatay sa “natural causes” ay kinuha na ng kanilang kamag-anak.

Facebook Comments