Pagpasa ng Alternative Learning System Act, ikinalugod ng DepEd

Ikinalugod ng Department of Education (DepEd) ang pagpasa sa Alternative Learning System (ALS) Act na nagpapatibay sa commitment nilang walang mag-aaral ang mapag-iiwanan sa harap ng pandemya.

Ayon sa DepEd, ang pagsasabatas ng ALS ay naglalayong maibalik ang tiwala sa potensyal ng mga bata at matatandang nawala sa formal school system.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11510, magbibigay ito ng suporta para matiyak na maraming out-of-school youths at adults ang mabibigyan ng access sa dekalidad na edukasyon.


Mas mapapalawak din nito ang partnership sa pagitan ng DepEd at ng Local Government Units (LGU), iba pang government agencies, private sector at non-government organizations.

Nakasaad din sa batas ang pagbuo ng Bureau of Alternative Education para magbigay ng coordinated leadership at magsisilbing focal office sa pagpapatupad ng ALS.

Magkakaroon din ng ALS Teacher Program na pagtitibayin sa pamamagitan ng pre-service at in-service training.

Facebook Comments