Iginiit ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman na malinaw at hindi dapat pagdudahan ang pagpasa ng House of Representatives sa panukalang diborsyo sa Pilipinas.
Pahayag ito ni Lagman makaraang kwestyunin ni dating Senate President Tito Sotto III ang pagpasa ng divorce bill dahil 126 lamang ang mga kongresista na bomoto pabor dito na mas kaunti sa kalahati ng kabuuang bilang ng mga kongresistang lumahok sa proceedings.
Pero giit ni Lagman, malinaw naman na lamang ang yes votes para sa Divorce Bill dahil 109 lang ang kontra at hindi dapat idagdag dito ang 20 na nag-abstain o hindi lumahok sa botohan.
Paliwanag ni Lagman ang pagpasa sa Divorce Bill ay nakabatay sa Section 117 ng rules ng 19th Congress.
Facebook Comments