Pagpasa ng panibagong Martial Law Victims Reparation Bill, inihirit ng Kabataan Partylist

Isinulong ng Kabataan Partylist ang agarang pagpasa sa House Bill 3505 o panukalang New Martial Law Victims Reparation Bill.

Hirit ito ng Kabataan Partylist kasunod ng pagbabanta sa buhay ng Martial Law survivor na si Bonifacio “Ka Boni” Ilagan.

Ayon kay Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel, ang mga Martial Law survivor ang buhay na patunay sa malagim na kasaysayan ng bansa sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.


Giit ni Manuel, responsibilidad ng gobyerno na protektahan at bigyang kompensasyon ang lahat ng victim-survivor ng Martial Law ni Marcos Sr., bilang pagtaguyod ng katotohanan at katarungan.

Sabi ni Manuel, higit na magagarantiyahan ang pagsakatuparan nito kapag naisabatas ang isinusulong nilang House Bill 3505.

Facebook Comments