Pagpasa ng Senado sa Marawi Compensation Bill, ‘huge boost’ sa mga Maranao ayon sa TFBM

Ikinalugod ng Task Force Bangon Marawi ang pagkakapasa sa Senado ng Marawi Compensation bill.

Ayon kay Task Force Bangon Marawi Chairman Secretary Eduardo Del Rosario, makapagpapataas ito sa moral ng mga mga Maranao na apektado ng infamous 2017 siege.

Aniya, matagal na itong inaantay ng mga Maranao at sa wakas ay abot-kamay na nila ang benepisyo ng Marawi Compensation Bill.


Sa sandaling maging ganap na batas, kabilang sa mga benepisyo sa panukala ay ang reconstruction ng private properties tulad ng mga bahay dulot ng limang buwang bakbakan sa pagitan ng government forces at mga Daesh-inspired terrorists.

Bumoto ang Senado pabor sa panukala 23-0 vote.

Ang botohan sa Senado ay nangyari apat na buwan matapos na magpasa ng katulad na house bill ang House of Representatives.

Ani Del Rosario, ipinakita ng aksyon ng Kongreso na kaisa nila ang mga mambabatas sa layunin nilang ibalik ang isang mas progresibo at mapayapang Marawi City.

Facebook Comments