Pagpasa sa Divorce Bill, panawagan ng isang kongresista sa Senado

Iginiit ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas sa Senado na ipasa na rin ang panukalang diborsyo sa Pilipinas na nakapasa na House of Representatives.

Paliwanag ni Brosas, may pangangailangan na magkaroon ng legal na remedyo para sa mga indibidwal na nakakulong sa isang mapang-abusong kasal o relasyon.

Ayon kay Brosas, maraming mga Pilipino, lalo na ang mga kababaihan at kabataan, ang nagdurusa dahil sa kawalan ng legal na mekanismo para makawala sa isang kasal na hindi na maaayos pa.


Giit ni Brosas, panahon na para iakma ang ating mga batas sa reyalidad na kinasasadlakan ng maraming pamilyang Pilipino para matuldukan na ang relasyon na puno ng karahasan at upang lumaki ang mga bata sa isang environment na may pagmamahalan.

Facebook Comments