Pagpasa sa national budget, hindi maaapektuhan ng term sharing sa Kamara

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na hindi makakaapekto sa pagpasa ng pambansang pondo at iba pang mahahalagang batas sakaling magkaroon ng term sharing sa house speakership.

Ito ay makaraang i-endorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang term sharing nina Taguig City Representative Alan Peter Cayetano at Marinduque Representative Lord Allan Velasco bilang susunod na lider ng Kamara.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – nagkasundo sina Cateyano at Velasco maging si Congressman Martin Romualdez na hindi nila hahayaang magka-problema sa Kamara sa harap ng gagawing hatian sa termino.


Tiniyak din ng Palasyo na hindi maaapektuhan ng term sharing ang committee chairmanship.

Sa kabila ng pag-endorso ni Pangulong Duterte kay Cayetano, nilinaw ng Malacañang na hawak pa rin ng mga kongresista ang pagpapasya kung sino ang nais nilang maging lider ng Kamara.

Facebook Comments