Pagpasa sa Ordinansa na Tutugon sa Problema sa Trapiko, Pinamamadali na!

*Cauayan City, Isabela-* Plano ng LGU Cauayan na magpasa agad ng ordinansa na tutugon sa masikip na daloy ng trapiko sa mga matataong lugar partikular sa poblacion area.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Mayor Bernard Dy, makikipag usap ang tanggapan ng LGU sa mga private sectors na nagmamay ari ng mga bakanteng lote sa Lungsod na kung maaari ay magamit bilang parking area.

Aniya, kapag naipasa na ang nasabing ordinansa ay maiibsan na ang ilang problema sa daloy ng trapiko lalo na sa mga sasakyang nakaparada malapit sa pambansang lansangan.


Kaugnay nito, magkakaroon ng charge fee sa parking area ang bawat motorista bilang pambayad sa mga may ari ng pribadong lupa.

Sa ngayon ay nasa unang pagbasa na ang nasabing ordinansa at inaasahan ito na maipapasa sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments