Umapela si Senator Christopher Bong Go sa mga kapwa mambabatas na iprayoridad ang Senate Bill No. 1228 ang panukalang “Mandatory Evacuation Center Act” na nakabinbin pa sa Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation.
Itinatakda ng panukala ang pagtatayo ng mga ligtas at permanenteng mga evacuation centers sa bawat bayan at siyudad na mayroong sapat na mga emergency packs, katulad ng blankets, tubig, gamot, flashlight at nakahandang relief goods.
Diin ni Go, kailangan ito para may ligtas na pansamantalang matutuluyan ang mga biktima ng kalamidad na madalas tumatama sa bansa tulad ng bagyo at pagputok ng bulkan.
Layunin ng panukala ni Go na hindi na makisiksik an mga biktima ng kalamidad sa mga tbarangay centers, paaralan, plazas, gymnasiums, o basketball courts na hindi akma para pansamantalang tirhan.