Birthday message ni Senator De Lima kay VP Robredo, puno ng pasasalamat

104

Mula sa kanyang piitan sa Philippine National Police Custodial Center ay sumulat ng birthday message si Senator Leila De Lima para kay Vice President Leni Robredo.

Gusto sana ni De Lima na makiisa sa ginaganap ngayon na grand rally para sa kaarawan ni Robredo pero dahil sya ay nakapiit ay kanya na lang tiniyak na sya at ang sambayanan ay kaagapay ni VP Leni sa mga adbokasiya nito at sa mga laban para sa totoo, tama at makatwiran para sa Pilipino.

Sa kanyang mensahe ay pinasalamatan ni De Lima ang mga sarkipisyo ni Robredo para sa bayan, ang pagiging inspirasyon nito sa paglilingkod sa Diyos, at pagbibigay ng pag-asa sa mga Pilipino.


ang mga pahayag ni De Lima ay umaayon din sa sa paghanga ni retired deputy governor ng Bangko Sentral Diwa Guinigundo sa pagiging isang responsible at maabilidad na lider ni Robredo.

Tugma ang mensahe ni De Lima sa pagbibigay diin ni Guinigundo na may resibo lahat na nagpapakita ng napakaraming programa ni Robredo sa iba’t ibang bahagi ng bansa, lalo na sa maliliit na lalawigan o bayan.

Katulad ni De Lima ay sang-ayon din si Guinigundo na mahalaga ang kakayahan ni Robredo na maraming nagagawa sa kakaunting pondo para sa pagbangon ng ekonomiya.



Facebook Comments