Ibinida ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang tagumpay sa pagpasinaya sa Senior High School – Alternative Learning System (ALS) para sa Out-of-School Youth Adults (OSYA) program ng school division ng Laoag City sa Ilocos Norte College of Arts and Trades.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang ALS umano ay malaking bahagi ng 10-point agenda na binuo at ipinakilala kay Pangulong Rodrigo Duterte kung saan pinuri din ng kalihim ang pagsisikap ng mga opisyal at kawani sa SDO Laoag City sa pagbuo ng ganitong programa.
Layunin umano ng naturang program na magkaroon ng daan ang mga OSYA na makapagtapos ng Grade 12 at maipagpatuloy na rin ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo.
Sa kasalukuyan, nagtala ang programa ng 9 na enrollees para sa electronic products assembly and servicing, 15 para sa beauty care, at dalawa sa agri-crop production.