Pagpaslang kay Nap Hernandez Mariing Kinondena ng Sangguniang Bayan ng San Mateo, Isabela!

602

*San Mateo, Isabela* – Mariing kinokondena ng Sangguniang Bayan Member na si Neil Jonathan Galapon ng San Mateo, Isabela ang walang awa at brutal na pagkakapaslang kay dating Board Member Napoleon “NAP” Hernandez ng Lalawigan ng Isabela kung kaya’t nais ng konseho na magpasa ng isang resolusyon na layong ipahayag ang simpatiya at pakikiramay sa naiwang pamilya ni Hernandez matapos ang nangyaring pamamaril.

Magugunita na pinagbabaril ang biktima ng riding-in-tandem sakay ng kaniyang kotse kasama ang kaniyang maybahay sa Brgy. Dagupan sa nasabing bayan bandang alas 7:20 kagabi.


Sa isang pahayag, bumuhos ang pakikidalamhati sa pamilya Hernandez dahil nawalan ng isang mabuti at responsableng ama hindi lamang sa kaniyang pamilya maging sa buong bayan ng San Mateo .

Matatandaang naging aktibong kinatawan ng Liga ng mga Barangay Federation President, dating Municipal Councilor ng San Mateo, Isabela, dating Sektoral Representative para sa Pagsasaka at dating Sangguniang Panlalawigan member at itatalaga sanang Municipal Administrator ni Punong Bayan Retired Col. Gregorio Pua.

Umaasa naman na mabibigyan ng agarang hustisya ang nangyaring pagpatay kay dating BM Nap Hernandez sa paghuli sa responsable ng walang awang pagpatay sa kaniya.

Facebook Comments