TOP 5 sa DrugsWatchlist ng PDEA, Arestado sa Buy-Bust Operation sa Cagayan!

73

*Tuguegarao City, Cagayan*- Arestado ang isang High Value Target na tulak ng droga matapos magsagawa ng drug buy-bust operation ang mga otoridad ng pinagsanib na pwersa ng PNP Tuguegarao at PNP Alcala na nagresulta sa pagkakaaresto sa nasabing suspek sa Brgy. Leonarda, Tuguegarao City, Cagayan bandang 6:20 kahapon, July 1, 2019.

Kinilala ang suspek na si Robin Paleg, 29 anyos, Pintor, walang asawa na residente ng Brgy. Sta. Teresa, Iguig, Cagayan.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Tuguegarao, nadakip ang Top 5 sa Drugswatchlist ng PDEA Provincial Level matapos mapagbentahan ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer.

Nakuha din sa mismong pag iingat ng suspek ang dalawang sachet (2) ng shabu, dalawang cellphone na hinihinalang ginagamit ng suspek sa iligal na transakyon at P1,000.00.

Nasampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek

Facebook Comments