Pagpaslang sa Konsehal sa Allacapan, Cagayan, Kinundena ng Kanilang Pinuno!

Allacapan, Cagayan- Kinundena ni Board Member Myla Ting-que, ang pinuno ng Philippine Councilors League o PCL ng Cagayan Chapter ang pagpatay kay Councilor Zaldy Mallari ng Bayan ng Allacapan kahapon.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay PCL Board Member Myla Ting-que, aniya kukundenahin nila ngayon ang ginawang pamamaslang kay Councilor Zaldy Mallari at nagkakaisa na umano ang kanilang liga upang kondenahin ang naturang pamamaslang.

Ayon pa kay ginang Myla Ting-que, na hindi umano sila sigurado sa inihayag ng Danilo Ben Command na inaako ang pagpatay kay konsehal dahil maaaring haka-haka lamang umano ito.


Subalit aniya, kung totoo man na sila ang responsable sa pamamaslang ay sana ito na umano ang huling pangyayari ng pamamaslang at sana’y magmatyag din umano ang taumbayan na maglakas loob na ihayag ang kanilang saloobin sa mga opisyal upang hindi na humantong sa pamamaslang.

Inihayag din ni PCL Board Member Ting-que na Nalulungkot at naalarma na sila dahil sa karumal-dumal na pagpatay sa naturang konsehal subalit kanya ring binigyang diin na Hindi umano pwedeng idaan sa pamamaslang ang kasalanan ng isang tao bagkus ay idaan umano ito sa legal na pamamaraan upang resolbahin ang problema.

Facebook Comments