Ramadhan Trade Fair 2018 dinarayo!

Mahigpit na minomonitor ng Department of Trade and Industry-ARMM ang araw-araw na kita ng Ramadhan Trade Fair Center na matatagpuan sa ORG Compound.

Noong May 19, mayroon ng naitala na 571,317 pesos na kita mula sa mga binibentang iba’t ibang klase ng pagkain at iba pang mga produkto.

Opisyal na sinimulan ang Trade Fair noon pang Mayo 11. Bukas ito mula 3 ng hapon hanggang 10 ng gabi araw-araw.


Inaasahang tataas pa ang kita ng mga exhibitors sa mga nalalabi pang araw ng Ramadhan Trade Fair 2018.

Samantala, hinikayat naman ni Sec. Anwar Malang ang lahat na pumunta at bumisita sa lugar. (*– Marjie Kate Dayawan, ABCOM STI COTABATO)*

*BPI ARMM Pic*

Facebook Comments