Pagpaslang sa radio commentator na si Percy Lapid, kinondena ng Kabataan Party-list

Mariing kinukondena ng Kabataan Party-list ang pagpaslang sa radio commentator na si Percival Mabasa na mas kilala bilang si Percy Lapid, habang nasa loob ng kanyang sasakyan sa gate ng kanyang bahay sa Talon Dos, Las Piñas.

Walang pang makitang malinaw na motibo sa krimen ang Philippine National Police (PNP).

Pero ang Kabataan Party-list, may hinala na posibleng dahilan ng krimen ang pagiging kritiko umano ni Lapid ng nakaraan at kasalukuyang administrasyon.


Ayon sa Kabatan Party-list, ang sinapit ni Mabasa ay patunay ng pagpapatuloy umano ng kill, kill, kill legacy ng nagdaang adminstrasyon at walang habas na panunupil sa kalayaan sa pagpapahayag.

Taos-pusong nakikiramay ang Kabataan Party-list sa mga kamag-anak at mahal sa buhay na naiwan ni Lapid kaakibat ang panawagan na agad itong mabigyan ng hustisya.

Facebook Comments