MRT-3, nagpaliwanag sa ipinatupad na limitadong operasyon ngayong hapon

64

Nagpaliwanag ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa naranasang limitadong operasyon nito ngayong hapon.

Nauna rito, inulan ng reklamo mula sa mga netizens ang punuang mga tren mula sa pagitan ng mga istasyon ng Shaw at North Avenue.

Sa abiso ng MRT-3, nagpapatupad sila ng provisional service mula North Avenue station hanggang Shaw Boulevard station at mula sa istasyon ng Shaw Boulevard hanggang sa istasyon ng North Avenue.


Ito ay dahil sa isang technical glitch sa signaling system na iniulat sa isang track circuit na papalapit sa istasyon ng Taft Avenue.

Nagpapatuloy pa hanggang ngayon ang isinasagawang pagsasaayos sa apektadong signaling system.

Facebook Comments