Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na patuloy na inaalam ng mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan kung totoo ban a mayroong 89 na foreign terrorist ang nakapasok sa bansa.
Ito naman ay sa harap narin ng kumpirmasyon ni Martial Law Spokesman for Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines Brigadier General Gilbert Gapay na mayroong 40 na foreign terrorist ang nakapasok sa bansa at karamihan sa mga ito ay mga Indonesians, Malaysian, Arabians at Pakistani.
Una nang sinabi ni Gapay na mayroon na silang pangalan ng 40 banyagang terorista at sa ngayon ay pinaghahanap na ang mga ito.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, malaki ang posibilidad na ang mga ito ay pumasok sa bansa sa pamamagitan ng backdoor entry mula sa mga bansang Malaysia at Indoensia papuntang Mindanao.
Ito aniya ang dahilan kung bakit mahalaga ang trilateral cooperation ngayon ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia kung saan nagkasundo ang tatlong bansa na palakasin pa ang paglaban sa terorismo sa buong rehiyon.
Pagpasok ng 89 na foreign terrorist, bineberipika pa ng pamahalaan
Facebook Comments