CEBU CITY – Itinanggi ng Philippine National Police ang ulat kamakailan na napasok na ng bandidong Abu Sayyaf Group ang Cebu.Ayon kay Central Visayas Police Regional Office – Intelligence Group Chief Supt. Julian Entoma, base sa isinagawa nilang validation ay wala namang Abu Sayyaf sa nasabing lungsod.Sa kabila nito, nagtaas pa rin ng alerto ang PNP – Central Visayas.Hinikayat din ni entoma ang publiko na manatiling mapagmatiyag sa anumang kahina-hinalang kilos.Samantala, aminado naman ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na bigo itong mabantayan nang 100 porsiyento ang galaw ng mga bandido na nagkukuta sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.Ayon kay AFP Pio Chief Col. Edgard Arevalo, kulang sa mga asset ang militar sa Western Mindanao para i-monitor ang galaw ng mga bandido na aniya’y humahanap din ng diskarte para makapuslit sa operasyon ng militar.
Pagpasok Ng Bandidong Abu Sayyaf Group Sa Cebu, Itinanggi Ng Philippine National Police
Facebook Comments