Pagpasok ng business tycoon na si Enrique Razon sa Malampaya, dapat idaan sa tamang proseso

Iginiit ni Senador Win Gatchalian sasusunod na liderato ng Department of Energy o DOE na tiyaking ipapatupad ang mga umiiral na batas at regulasyon bago pahintulutan ang napipintong pagbili ng Prime Infrastructure Holdings Inc. o Prime Infra na pag-aari ni Enrique Razon sa Malampaya gas-to-power project.

Ang tinutukoy ni Gatchalian ay ang napaulat na ibinebenta na umano ng Udenna Corp. ni Dennis Uy ang nakuha niyang 45% na sosyo sa Malampaya ng Chevron Malampaya LLC.

Diin ni Gatchalian, dapat maging transparent ang Prime Infra sa naturang transaksyon upang maging epektibo ang proseso.


Dagdag pa ni Gatchalian, ang naturang transaksyon ay nangangailangan din ng pahintulot ng ibang nasa consortium na nagpapatakbo ng Malampaya.

kabilang dito ang Philippine National Oil Company-Exploration Corp. o PNOC-EC na nagmamay-ari ng 10% na shares sa Malampaya.

Paliwanag ni Gatchalian, ang kinabukasan ng ating seguridad sa enerhiya ang nakataya rito para sa mga susunod na mga taon dahil ang Malampaya ang nag-iisang pinakamahalagang pinagkukunan ng enerhiya sa ating bansa.

Facebook Comments