Senator-elect Padilla, dapat bigyan ng tsansa ayon kay Senator Zubiri

74

Iginiit ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na dapat mabigyan ng tsansa si Senator-elect Robin Padilla para pamunuan ang nais nitong Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

Tiwala si Zubiri na kayang kaya ni Padilla na hawakan ang nabanggit na komite at magpakitang-gilas lalo’t naghahanda naman itong mabuti.

Paliwanag pa ni Zubiri, wala naman sa kanilang patakaran na isang abogado ang dapat na maging chairman ng committee on constitutional amendments.


Si Zubiri ang inaasahang uupo bilang Senate President sa papasok na 19th Congress at kaniyang tiniyak ang pagtulong kay Padilla bilang baguhang senador kung kinakailangan.

Facebook Comments