Ipinagbawal ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpasok ng mga Marine Survey Ship sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Ito’y matapos sabihin ng Malacañan na walang problema sa paghingi ng tulong sa Estados Unidos para matutukan ang Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.
Sa Twitter post, sinabi ni DFA Sec. Teddy Locsin Jr. na kailangang ipagbawal ang lahat ng Marine Survey Ships dahil kung mayroong exception ay pwedeng magkaroon ng pagdududa at isiping may “favoritism.”
Saklaw din ng kautusan ang France, Japan at maging ang China.
Matatandaang napaulat ang pagdaan ng ilang Chinese Survey Ships sa bahagi ng Sibutu Strait sa Tawi-Tawi noong nakaraang Linggo.
Facebook Comments