Vice President Leni Robredo, personal na nakiramay sa pamilya ng mga nasawi satrahedya sa Iloilo-Guimaras

Nakiramay si Vice President Leni Robredo sa mga pamilya ng mga nasawi sa paglubog ng bangka sa Iloilo-Guimaras Strait noong August 3.

Binisita ni Robredo ang lamay ng siyam sa 31 kataong nasawi sa insidente.

Kinausap ng Bise Presidente ang mga pamilya sa bahagi ng Barangay De Leon sa Mandurriao District.


Dito ay inalala ni Robredo ang pagkamatay ng kanyang asawa na si dating Dilg Sec. Jesse Robredo sa plane crash noong August 2012.

Batid niya ang hirap na pinadaanan ng mga kaanak at mga nakaligtas gaya ng kanyang naranasang trauma nang mawala ang kanyang mister.

Samantala, pupuntahan din ni Robredo ang mga apektado ng aksidente sa Guimaras.

Matatandaang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ng mga biktima sa Iloilo noong nakaraang Linggo.

Facebook Comments