Pagpasok ng mga karneng manok sa bansa, hindi ipapatigil ng DA

Hindi sususpindihin ng Department of Agriculture (DA) ang pagpasok ng mga imported na karneng manok sa bansa sa kabila ng panawagan na i-ban ito dahil sa pagtaas ng farm gate price.

Ang desisyong ito ay kasunod ng naganap na pulong ng D.A. kasama ang Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI), Meat Importers and Traders Association (MITA), Bureau of Animal Industry (BAI) at National Meat Inspection Service (NMIS).

Ayon kay PAMPI Spokesperson Rex Agarrado, ipagpapatuloy pa rin ang pag-angkat ng karne kahit sobra na ang suplay sa bansa.


Hihigpitan na lang aniya ang pagbabantay sa mga quarantine checkpoints para matiyak na ligtas at malinis pa rin ang mga manok.

Facebook Comments