PAGPASOK NG MGA MANOK AT PATO SA BAYAN NG MALASIQUI PANSAMANTALANG IPINAGBAWAL

Ipinag-utos ng pamahalaang bayan ng Malasiqui ang pagbabawal sa pagpasok ng broiler, spent hen o culls, native na manok at mga pato sa bayan.
Sa inilabas na Executive Order number 24 na inilabas at pirmado ng kanilang alkalde, epektibo ito ng dalawang buwan umpisa ngayong July 30 hanggang September 30.
Ito ay dahil na rin sa pagkakaroon ng kumpirmadong kaso ng Bird flu sa mga kalapit na lugar nito. Matatandaang daan-daang mga manok mula sa Nueva Ecija ang ipinuslit sa bayan ng Malasiqui.

Ang mga ito ay walang kaukulang papeles kung saan ang Nueva Ecija din ay mayroong outbreak ng bird flu. Agad na isinailalim ang mga manok sa culling.
Inatasan naman ang mga punong barangay na higpitan ang pagbabantay sa kanilang mga nasasakupan para maiwasang makapasok ang mga nabanggit ng walang kaukulang permiso. | ifmnews
Facebook Comments