KABLE NINAKAW SA MALASIQUI: SUSPEK ARESTADO

20
Arestado sa bayan ng Malasiqui ang isang lalaki matapos itong naaktuhang nagnanakaw ng kable ng telepono sa nasabing bayan.
Ayon sa testigong si William Tejada, isang security guard, nagroronda umano siya ng gabing yun sa Brgy. Nalsian Norte ng bayan ng mahuli nitong nagnanakaw ng kable ng telepono ang suspek.
Agad na tumawag si Tejada sa kanyang kapwa security guard upang manghingi ng tulong na mahuli ang suspek.

Ayon sa PNP Malasiqui, nasabat nila sa suspek ang nasa humigit kumulang tatlong metrong haba ng kable na may halagang 1,500 pesos, cut wire, screwdriver, steel saw, at liyabe na pinaniniwalaang ginamit nito sa nasabing pagnanakaw.
Sa ngayon, nasa kustodiya ng PNP malasiqui ang suspek at inihahanda na ang kasong maaaring kaharapin nito.| ifmnews
Facebook Comments