Pagpasok ng mga produktong karne sa Pilipinas mula Brazil at Chile, pinayagan na

Pinayagan na ng Pilipinas ang pagpasok ng mga produktong karne sa bansa mula sa Brazil at Chile matapos makasunod ang mga ito sa pagsusuri.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar, kinabibilangan ang Brazil ng 24 akreditadong establisyemento habang anim naman ang Chile.

Dahil dito, madadagdagan na ang mga produktong karne sa bansa tulad ng baboy, baka at manok na una nang bumaba ang produksyon dahil sa African Swine Fever (ASF) at bird flu.


Maliban sa pag-aangkat ng produktong karne, papayagan na rin ang pagluluwas ng mga produktong ito na magaganap hanggang April 2, 2023.

Facebook Comments