Hindi imposible na makapasok sa bansa ang nasa 48 foreign terrorists na kasalukuyang nangangalap ng mga bagong kasapi sa Mindanao. Batay ito sa naging pahayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.
Maaari umanong makalusot ang mga dayuhang terorista lalo na sa probinsia ng Tawi-Tawi dahil na rin sa lawak ng naturang karagatang sakop nito.
Sa ngayon ay mahigpit nilang binabantayan ang lugar lalo na ang detachment ng militar na nakabase doon. Sa ngayon ay lalo pang hinigpitan ang trilateral patrolling sa lugar na kinabibilangan ng mga otoridad mula Indonesia, Malaysia, at Pilipinas.
Nabatid na 15 terorista mula sa Indonesia at Malaysia ang nakapasok sa Mindanao para tumulong sa Daesh o Islamic State-inspired group sa Saranggani habang 16 na Indonesian terrorists din ang pumunta sa rehiyon para magbigay ng assistance at training sa Abu Sayyaf group sa Basilan at Maute group sa Lanao del Sur.(Amer Sinsuat)
Pagpasok ng mga terorista sa Mindanao beneberipika
Facebook Comments