Pagpasok ng NBI sa kaso ng UST law student na napatay sa hazing, ikinatuwa ng MPD

Manila, Philippines – Welcome development para sa Manila Police District (MPD) ang pagpasok ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ni Horacio Castillo III na napatay sa hazing.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, ang pagpasok ng mas maraming imbestigador sa kaso ay mangangahulugan na makaka-kalap sila ng mas maraming ebidensya.

Iisa lamang naman aniya ang pakay ng kanilang imbestigasyon, at ito ay ang mabigyan ng hustisya ang sinapit ni Castillo at mabilis na mareresolba ang kaso.


Pagmamalaki pa ni Margarejo, may magandang rekord naman ang NBI at MPD pagdating sa pag-iimbestiga ng mga insidente at kaso.

Facebook Comments