Pagpasok sa bansa ng mga puganteng banyaga na nahuli sa raid sa Las Piñas, iniimbestigahan ng PNP

Pinag-aaralan na ng Philippine National Police (PNP) kung paano nakapasok sa Pilipinas ang mga puganteng banyaga na nahuli sa raid sa Las Piñas City noong nakaraang linggo.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, maging sa kanila ay palaisipan kung paano nakapuslit papasok ng bansa ng mga banyagang mayroong warrant of arrest.

Sa ngayon, tinitingnan ng PNP ang owner at maintainer ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) company kung saan nahuli ang mga pugante.


Posibleng kasuhan din anya ang may-ari ng gusali na lokasyon ng POGO company.

Sa ngayon, anim na pugante ang naitala ng PNP na banyagang pugante kung saan apat dito ay Chinese at dalawa naman ay Taiwanese.

Facebook Comments