Pinaghahandaan na rin ng Bureau of Immigration (BI) ang inaasahang pagdagsa sa Pilipinas ng mga dayuhang estudyante na magbabalik sa kanilang pag-aaral sa bansa.
Ayon sa BI, inaasahan nila na sa ikatlong bahagi ng taon ay dadagsa sa Pilipinas ang mga foreign students kasabay ng pagbubukas ng klase sa bansa
Tiniyak din ng BI na magiging maayos at mabilis ang magproseso ng student visa ng mga dayuhang estudyante na magbabalik-Pilipinas
Bago magkaroon ng pandemic, 35,000 na foreign students ang nag-aaral sa bansa at karamihan sa mga ito ay nasa medical course.
Gayunman, nang magkaroon ng mga lockdown sa Pilipinas, nagpasya silang umuwi muna sa kanilang mga bansa.
Facebook Comments